^

Metro

Star witness sa Hayashi murder case nakaligtas sa kanyang abductors

-
Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang sinasabing star-witness sa Tadao Hayashi murder case matapos na makatakas sa kamay ng sindikatong dumukot dito at sa kaibigan nito habang sila ay papauwi sa pamamasyal kamakalawa sa Quezon City.

Si Reynaldo Ortillano, 29, may-asawa, driver at stay-in sa Caloocan City police station ay nakaligtas sa kamay ng kanyang mga abductors habang ang kasama nito na nakilala lamang sa pangalang Patis, nakatira sa Bagong Silang ay pinaghahanap pa ng pulisya.

Lumilitaw sa ulat na dakong alas-11:45 ng umaga nang maganap ang umano’y tangkang pagdukot kay Ortillano sa harap ng SM Fairview.

Base sa naging salaysay ni Ortillano, kasalukuyan umano siyang namamasyal kasama ang kaibigan na si Patis nang mapagpasyahan nilang umuwi na.

Habang nag-aabang ang mga biktima ng masasakyan ay bigla na lamang huminto sa kanilang harapan ang isang kulay asul na L-300 van na may plakang PEN-1 at dito ay bumaba ang apat na kalalakihan na armado ng baril at saka sapilitang ipinasok ang mga ito sa loob ng nasabing sasakyan.

Diumano, patungong Montalban, Rizal ang tinatahak ng nasabing sasakyan at pagsapit sa Fairview Litex ay naipit umano sa trapiko ang mga ito.

Dahil dito, sinamantala ni Ortillano ang pagkakataon hanggang sa tumalon ito sa sasakyan at mabilis na tumakbo papalayo.

Nabatid na humingi ng tulong si Ortillano sa ilang kagawad ng pulisya habang ang kasama nito ay naiwan sa nasabing van.

Magugunita na si Ortillano ang naging star witness sa pagkakadakip sa pangunahing suspect sa pagpaslang kay Japanese harp artist Tadao Hayashi sa loob ng bahay nito kamakailan sa Bagong Silang, Caloocan City. (Ulat ni Gemma Amargo)

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DAHIL

FAIRVIEW LITEX

GEMMA AMARGO

ORTILLANO

PATIS

QUEZON CITY

SI REYNALDO ORTILLANO

TADAO HAYASHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with