^

Metro

K-9 dog, tv monitor ikakalat sa paligid ng Bilibid Prison

-
Bilang bahagi nang paghihigpit sa seguridad, maglalagay ng mga K-9 dog at mga sekretong television monitor sa entrada at paligid ng National Bilibid Prison (NBP) matapos aminin ng pamunuan nito na nakakapuslit ang droga sa nasabing kulungan kasabwat ang ilang prison guard.

Inamin ni NBP director Ricardo Macala na sa kabila ng kanyang direktiba na ipatupad ang paghihigpit sa nasabing piitan ay nagkukulang pa rin aniya sa seguridad ang ilang prison guard.

Kaya’t masakit man aniyang tanggapin ang katotohanan ay nakakalusot pa rin ang mga ipinagbabawal na gamot at may hinala ang nasabing direktor na malayang nakikipagtransaksyon ang ilang mga presong ‘tulak’ sa pamamagitan ng cellphone sa kabila ng paghihigpit na bawal magdala sa loob ng anumang gamit pang-komunikasyon.

Nabatid pa sa nasabing NBP director na ilang prison guard ang iniimbestigahan ng kanyang tanggapan dahil kasabwat umano sa ilang ilegal na aktibidades ng mga preso.

Sinabi ni Macala na aprubado na sa Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahilingan, bilang bahagi ng programa ng DOJ na maging moderno ang pasilidad sa Pambansang Piitan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BILANG

INAMIN

KAYA

LORDETH BONILLA

MACALA

NABATID

NATIONAL BILIBID PRISON

PAMBANSANG PIITAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RICARDO MACALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with