Mensahero patay sa 'Cellphone Gang'
September 23, 2001 | 12:00am
Isang 21-anyos na mensahero ang nasawi makaraang saksakin ng dalawang miyembro ng Agaw cellphone Gang habang naglalakad ito pauwi sa kanilang bahay mula sa pinapasukang travel agency, kahapon ng madaling araw sa Ermita, Maynila.
Ang biktima na nakilalang si Ronnie Noche, tubong Romblon, messenger ng Sagye Travel Agency ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Phil. General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa leeg.
Samantala, nakatakas naman ang dalawang suspect tangay ang Nokia 3210 ng nakulimbat nila sa biktima, cash at ilang piraso ng airline tickets.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Ismael dela Cruz, may hawak ng kaso naganap ang insidente dakong alas-7:45 kamakalawa ng gabi sa kanto ng Taft Avenue at Remedios St. sa Malate.
Nabatid sa salaysay ng dalawang kasamahan ng biktima sa trabaho na sina Arlene Garcia at Ednalyn Nepomuceno na naglalakad sila kasama ang biktima sa naturang lugar mula sa pinapasukang travel agency ng biglang sumulpot ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na armado ng patalim sabay hablot sa bag ng biktima.
Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng pulisya na hindi basta pumayag ang biktima at nakipaghilahan sa mga suspect hanggang sa saksakin ito sa leeg ng isa sa mga suspect.
Matapos makuha ang bag ay mabilis na tumakas ang mga salarin at iniwang nakahandusay ang biktima. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended