^

Metro

2 bading tiklo sa pangongotong

-
Dalawang bading na umano’y miyembro ng Samahang Pro-Gay ang natimbog ng mga awtoridad sa aktong nangongotong gamit ang pangalan ni QC Congressman Reynaldo Calalay, kamakalawa ng gabi sa isang pagamutan sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Roberto Garcia, alyas Nestor Brigonia, 32 at Gregorio Trinidad, 33.

Nabatid sa pulisya na dakong alas-10:25 ng gabi ng maaresto ang dalawang bading makaraang ireklamo ng isang Maria Angelita de Guzman, empleyado ng Quezon City General Hospital at residente ng Congressional Village ng nabanggit na lungsod.

Sa sumbong ni de Guzman, nagtungo umano ang mga suspect sa nabanggit na pagamutan dala ang isang solicitation letter mula sa grupong Pro-Gay na nagsasaad nang paghingi ng halagang P10,000 gamit ang pangalan ni Congressman Calalay.

Dahil sa pangungulit umano ng mga suspect sa pagso-solicit sa dis-oras ng gabi ay agad na tumawag sa pulisya si de Guzman at humingi ng responde.

Sa pagdating ng pulisya, agad namang naaresto ang mga suspect.

Nabatid na may nauna na umanong grupo ng mga bakla ang nakahingi ng P10,000 gamit ang pangalan ng naturang kongresista. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

CONGRESSIONAL VILLAGE

CONGRESSMAN CALALAY

CONGRESSMAN REYNALDO CALALAY

GREGORIO TRINIDAD

GUZMAN

MARIA ANGELITA

NABATID

NESTOR BRIGONIA

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with