^

Metro

Misis naghiwa ng pulso matapos saksakin ang asawa't anak

-
Bumagsak sa pagamutan ang isang mag-asawang dating mga pasyente ng National Center for Mental Health (NCMH) kasama ang kanilang 11-anyos na anak matapos na magwala ang ina nito hanggang sa manaksak at maghiwa ng pulso, kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Isinugod sa Sto. Niño de San Antonio General Hospital ang mag-asawang sina Alexander San Ruiz, 42 at Sherly, 52, kasama ang kanilang anak na si Cris, grade six pupil at naninirahan sa Greenpark Subdivision, Brgy. Manggahan, Pasig City.

Nabatid na nailigtas na sa kamatayan ang mag-amang San Ruiz na nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan, gayunman nasa kritikal namang kondisyon si Sherly na sinasabing maraming dugo ang nawala matapos maghiwa ng pulso.

Sa ulat ni PO1 Ferdinand Clemente, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay. Nagtatalo umano ang mag-asawa ukol sa umano’y pagwawaldas ng pera ni Alexander na itinatanggi naman ng huli.

Dito umano nakakuha ng isang kutsilyo mula sa kusina si Sherly at sinugod ng saksak ang asawa na tinamaan sa leeg at sikmura. Dahil sa nasaksihan , nagsisigaw at nag-iiyak ang kanilang anak na si Cris na siya namang pinagbalingan ng ina na saksakin.

Nang makita naman ni Sherly na duguan ang kanyang mag-ama ay nagpasya itong maghiwa ng pulso.

Nabatid ng pulisya buhat sa mga kamag-anak ng mag-asawa na taong 1980 ay nagkakilala ang dalawa sa loob ng NCMH at doon umusbong ang kanilang pag-iibigan na nakatulong naman sa kanila sa maaga nilang paggaling.

Nang makalabas ng pagamutan ay nagpasya ang dalawa ng magpakasal at ang ibinunga ay si Cris.

Naging maayos naman ang pagsasama ng dalawa hanggang sa malasin sa negosyo na maari umanong dahilan upang ma-depress si Sherly. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEXANDER SAN RUIZ

DANILO GARCIA

FERDINAND CLEMENTE

GREENPARK SUBDIVISION

MENTAL HEALTH

NABATID

NANG

NATIONAL CENTER

PASIG CITY

SHERLY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with