^

Metro

26 menor-de-edad nakapiit sa National Bilibid Prison

-
Tinatayang 26 na kabataang preso na nasa edad na 13 hanggang 18 anyos ang inilipat ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang naging kautusan ng Department of Justice (DOJ) kay NBP director Ricardo Macala.

Sa 26 presong kabataan, ang pinakabata rito na may edad 13 ay itinago sa pangalang Kiko, taga-Bontoc, Mt. Province, hinatulan ng 20-taong pagkabilanggo noong Hunyo 3, 2000 matapos gahasain ang isang 6-anyos na paslit.

Ang nasabing mga kabataang inmates ay nasa edad 13-17 ay pawang may mga kasong rape, frustrated homicide, attempted murder, pagnanakaw at illegal possession of firearms.

Nabatid kay Director Macala na may isang taon nang nakakulong ang ilan sa mga kabataang inmates at ayon sa batas ay hindi dapat ito ikulong sa Pambansang Bilangguan.

Kaya’t bilang programa at kautusan na rin ng DOJ, inilipat ang mga kabataang preso sa pangangalaga ng DSWD. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BONTOC

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DIRECTOR MACALA

HUNYO

LORDETH BONILLA

MT. PROVINCE

NEW BILIBID PRISON

PAMBANSANG BILANGGUAN

RICARDO MACALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with