^

Metro

P12 M damage suit iniharap laban kay Yasay

-
Sinampahan ng P12-milyon damage suit sa Quezon City Regional Trial Court si dating Security and Exchange Commission (SEC) Chairman Perfecto Yasay matapos nitong isama ang Wintrack Builders, Inc. sa kasong plunder, graft and corruption charges na iniharap sa Office of the Ombudsman kaugnay na rin ng umano’y iregularidad sa kontrata para sa pagpapatayo ng Ninoy Aquino International Airport passenger Terminal II.

Batay sa reklamo nina Luisito Clavano, Carlitos Clavano at Ronald Clavano, president at direktor ng Wintrack Builders, ayon sa pagkakasunod, hiniling ng mga ito sa Korte na atasan si Yasay na bayaran sila ng halagang P10 milyon para sa moral damages; P1 milyon bawat isa para sa exemplary damages at attorney’s fees.

Bukod kay Yasay, kasama ring kinasuhan ng civil suit si Jovino Lorenzo Jr., vice-president ng MIAA-NAIA Association of Service Operators (MASO).

Lumilitaw sa records na noong Hulyo 12, 1997, nagkasundo ang Department of Transportation and Communications na noo’y kinatawan ni Secretary Arturo Enrile at ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pamamagitan ng isang concession agreement sa Philippine International Air Terminals Co., Inc. (PIATCO) kung saan nakasaad na ang huli ay siyang may responsibilidad na mag-finance, magtayo, mamahala, magpatakbo at magsalin sa pamahalaan sakaling matapos na ang pagpapatayo ng NAIA passenger Terminal II.

Sinabi ng mga plaintiffs na wala silang kinalaman sa anumang pagpapalabas ng concession agreement na umano’y na-reinstate, na-amend at supplemented noong Nobyembre 1998, Agosto 1999 at Sept. 2000.

Noong Oktubre 20, 2000, nagbigay ng kontrata ang PIATCO para sa demolisyon kung saan inatasan ang plaintiff na alisin at tuluyan nang i-demolish ang subterranean structure sa NAIA IPT 3 site na sinasabi ng PIATCO. Batay na rin sa kontrata, agad din silang binayaran ng PIATCO.

Idinagdag pa ng plaintiffs na ang DOTC at MIAA ay hindi mga parties at signatories sa naturang kontrata para sa demolisyon.

Matatandaan na noong Sept. 10, 2001 ay ipinagharap naman ng kaso sa Ombudsman DOTC Secretary Pantaleon Alvarez kasama ang mga plaintiffs bunga na rin ng ipinatutupad na concession agreement, na sinasabing naglalaman ng iregularidad. Itinanggi rin ng mga plaintiffs na nakipagsabwatan sila kay Alvarez. (Ulat ni Doris M. Franche)

ASSOCIATION OF SERVICE OPERATORS

BATAY

CARLITOS CLAVANO

CHAIRMAN PERFECTO YASAY

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DORIS M

JOVINO LORENZO JR.

LUISITO CLAVANO

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

WINTRACK BUILDERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with