^

Metro

NCR Judo director nagpakamatay

-
Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti ang National Capital Regional director ng Philippine Amateur Judo Association kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Augusto "Steve" Balcon na residente ng #11 Sterling St. Gem 9 Subdivision, Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Nabatid sa Quezon City Police na naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima. Natuklasan ang pagpapakamatay ni Balcon ng kanyang misis na si Liezl, 31, na nakasabit sa itaas ng kanilang dresser. Isang nylon cord ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Isang suicide note ang natagpuan ng pulisya sa tabi ng pinangyarihan ng krimen at nakasaad dito ang mga katagang : " Hindi ko na kaya, sana maunawaan ninyo ako, patawarin ninyo ako. Palagi na lamang kabiguan ang dumarating sa akin."

Sinabi naman ng pulisya na malamang na labis itong nalungkot matapos na hindi makasama sa isinagawang South East Asian Games sa Malaysia.

Gayunman, inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Ayaw namang magbigay ng anumang pahayag ang asawa ng biktima hinggil sa motibo ng isinagawang pagpapakamatay ni Balcon. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

AUGUSTO

BARANGAY TANDANG SORA

ISANG

NATIONAL CAPITAL REGIONAL

PHILIPPINE AMATEUR JUDO ASSOCIATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

SOUTH EAST ASIAN GAMES

STERLING ST. GEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with