^

Metro

Ospital nakatanggap ng 'bomb threat'

-
Naghari ang tensyon makaraang pansamantalang ilabas sa loob ng isang pampublikong ospital ang kanilang mga pasyente matapos na makatanggap ng bomb threat ang pangasiwaan ng pagamutan, kamakalawa sa Caloocan City.

Napag-alaman na dakong ala-1:30 ng hapon ng makatanggap ng telephone call si Dra. Susana Caseria ng Dr.Jose Rodriguez Memorial Hospital mula sa isang hindi nagpakilalang lalaki.

Ayon sa caller, isang bomba umano ang kanilang itinanim sa emergency room ng pagamutan at anumang oras ay maaari itong sumabog .

Para naman makasiguro ay pinalabas na lamang ang mga pasyente at mga manggagamot at staff ng pagamutan dahilan upang maghari ang tensyon.

Mabilis namang humingi ng tulong sa Special Weapons and Tactics (SWAT) ang pamunuan ng naturang ospital na agad namang nagresponde.

Subalit matapos ang ginawang pagsasaliksik sa bomba ay napag-alamang negatibo sa bomba ang pagamutan. (Ulat ni Gemma Amargo)

AYON

CALOOCAN CITY

DRA

GEMMA AMARGO

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

MABILIS

NAGHARI

NAPAG

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

SUSANA CASERIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with