2 miyembro ng ATM gang, arestado
September 19, 2001 | 12:00am
Dalawang miyembro ng sindikato ng ATM ang dinakip ng pulisya matapos na mahuli sa aktong nagwi-withdraw sa isang booth ng banko dito sa Makati City, kahapon ng umaga.
Base sa ulat, nakilala ang mga nadakip na sina Marlon Agno, 31 at Judito Coruel, 31.
Naganap ang pagdakip sa dalawa dakong alas-7:10 kahapon ng umaga sa isang ATM booth ng banko ng UCPB na matatagpuan sa Brgy. Guadalupe Nuevo sa Makati City.
Napag-alaman na magkakasunod na nag-withdraw ang tatlong complainant na nakilalang sina Joemel Aranda, 27; Catalino Lerion Jr., 27 at Derick Rosales, 38, sa nasabing banko subalit nagtataka ang mga ito na walang lumalabas na pera sa machine.
Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang mga biktima sa hinalang may nagaganap na modus operandi.
Ilang minutong binantayan ng mga awtoridad ang nasabing ATM kasama ang mga biktima at tiyempo naman na ang mga suspect ang nag-withdraw sa booth na doon maraming pera ang lumabas.
Kaagad na dinakip ang dalawa matapos madiskubre na nilagyan ng mga ito ng itim na plastic ang butas ng ATM booth kayat nahaharang ang paglabas ng pera.
Sa isinagawang interogasyon sa mga suspect, napag-alaman na matagal na ang ganitong modus operandi ng dalawa na ngayon ay kapwa nakakulong sa Makati City detention cell. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended