Ayon kay Israel Estrella, PCSO assistant general manager for corporate affairs na nagsumite na ang PCSO anti fraud committee ng vital datas patungkol sa pangunahing miyembro ng sindikato na nakakulimbat na ng halaga na mula P6,000 hanggang P80,000 sa kanilang mga nabiktima.
Ipinaliwanag pa nito ang modus operandi ng grupo ay tawagan ang kanilang prospective victims at hikayatin ang mga ito na kung nais nilang manalo ng jackpot price sa lotto subalit kailangan umano nilang magbigay ng mailiit na halaga bilang bayad sa tinatawag na "lucky balls" na gagamitin sa isasagawang draw.
"Nais nilang palabasin sa mga kanilang mga binibiktima na namamanipula ang lotto games", dagdag pa ni Estrella.
Ang susunod umanong step sa transakyon ay ang hikayatin ang mga biktima na magdeposito ng pera sa ilang bank accounts at kapag nakumpirma na ang deposito ay wala nang maririnig na anupaman ang mga biktima buhat sa sindikato.
Tinatayang umaabot sa daan-daang negosyante buhat sa Ilocos hanggang Davao City ang nagharap ng kanilang reklamo sa PCVSO simula noong nakalipas na taon ng umanoy matatag ang sindikato.
Isang negosyante buhat sa Olongapo ang sinasabing nawalan ng P80,000 para umano sa P80 million lotto winnings, samantalang P25,000 naman ang umanoy naibayad ng isang negosyante buhat sa Davao para sa kanyang lucky number combinations.
Dahil dito, pinag-iingat ng PCSO ang publiko na makipagkasundo ng transakyon sa sindikato.
Idinagdag pa ng PCSO na posibleng ang lotto gang members ay kaanib sa tinatawag na "Boodle boodle Gang".(Ulat ni Perseus Echeminada)