Media coverage sa NAIA, sinuspinde
September 18, 2001 | 12:00am
Mariing binatikos kahapon ng mga mamamahayag sa Ninoy Aquino International Airport ang hindi makatuwirang desisyon ni MIAA general manager Edgardo Manda na pagsuspindi ng media coverage sa loob ng naturang paliparan.
Sa isang directive, sinuspindi ni Manda ang pag-iisyu ng media access pass sa mga reporters kasabay din nang pagpapalipat nito sa parking space na nakalaan sa mga mamamahayag.
Kasama ring binatikos ng mga mamamahayag ang airport security officer na si Peter Mutuc dahil sa sobrang paghihigpit.
Subalit iginiit naman ni Manda na ang kanyang ginawa ay temporary lamang dahil sa sitwasyon sa Amerika at ito ay bahagi lamang ng pagpapatupad sa karagdagang security measure.
Hindi naman kinagat ng mga reporters ang katwiran ni Manda at ayon sa kanila may personal na dahilan si Manda kaya niya ipinatutupad ito ay dahil sa mga batikos na ibinabato sa kanya.
Matatandaang pinuna ng mga mamamahayag ang isang money changer na itinayo sa isang restricted area dahil na rin sa mga reklamo ng mga banko dahil sa kanilang pagkalugi.
"Walang military rule sa Pilipinas. Ang ginawa ni Manda ay maliwanag na paglabag sa umiiral na press freedom," ayon sa mga reporters. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended