^

Metro

Pulis-QC hinatulang mabitay sa pagtutulak ng shabu

-
Parusang kamatayan ang inihatol ng Malabon Regional Trial Court laban sa isang Quezon City police, samantalang habambuhay na pagkabilanggo sa kasamahan nito, matapos na mapatunayang nagtutulak ng ipinagbabawal ng gamot anim na buwan na ang nakakalipas.

Si PO1 Marlow de Guzman nakatalaga sa Central Police District Office (CPDO) ay hinatulan ni Judge Benjamin Villanueva ng parusang kamatayan, habang habambuhay na pagkabilanggo naman ang ipinataw na parusa sa kasama nitong si Jesus Villanueva.

Base sa 9 na pahinang desisyon ng korte, noong nakaraang Marso 23, 2001 nang arestuhin ang dalawang akusado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang buy-bust operation sa Tumariz St., Tugatog, Malabon.

Napag-alaman na naganap ang bilihan ng droga sa loob ng kotse ng isang NBI agent na nagpanggap na posuer buyer at personal na iniabot ang pera kay Villanueva kasama si De Guzman kapalit ng dalawang kilo ng shabu.

Sa panig naman ng akusado, sinabi ng mga ito na ‘planted’ lamang ang mga nakuhang mahigit sa dalawang kilo ng shabu sa kanila at walang naganap na transaksyon sa nasabing lugar. Hindi naman ito pinaniwalaan ng korte. (Ulat ni Gemma Amargo)

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE

DE GUZMAN

GEMMA AMARGO

GUZMAN

JESUS VILLANUEVA

JUDGE BENJAMIN VILLANUEVA

MALABON REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

TUMARIZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with