Anak ng chairman patay, 3 kritikal sa car accident
September 17, 2001 | 12:00am
Namatay ang isang babae na anak ng isang Brgy. Chairman habang tatlo katao pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok sa isang center island ang kanilang sinasakyang kotse sa Paco, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Agad na nasawi ang biktimang si Marites Tibay, nasa hustong gulang at umanoy anak ni Brgy. Chairman Rolando Tibay, ng Singalong sanhi ng malaking sugat sa ulo habang ang tatlong pang biktima na inaalam pa ang kanilang pangalan ay kapwa nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila.
Mabilis na tumakas ang di-kilalang driver at iniwan ang mga biktima na duguang nakahandusay sa loob ng isang kulay dark green na Honda Accord na may plakang UGL-484.
Sa imbestigasyon ni SPO4 Wilfredo Estomaquio, ng WPD-Traffic Enforcement Group (WPD-TEG), naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa kanto ng Quirino Ave. at Bayan St.
Ayon sa mga saksi, namataan nila na pagewang-gewang ang sasakyan ng mga biktima at ilang saglit ay sumalpok sa center island at dahil sa lakas ng impak ay tumaob ito hanggang sa maipit at magtamo ng matitinding sugat ang mga biktima sanhi ng kamatayan ni Tibay. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended