1 patay, 3 sugatan sa 'My Way'
September 17, 2001 | 12:00am
Isa na naman ang nasawi habang tatlo katao ang nasa malubhang kalagayan makaraang pagsasaksakin ng tatlong di-kilalang mga suspect dahil sa malas na awiting "My Way" na pinasikat ni Frank Sinatra sa loob ng isang beerhouse sa Navotas, Metro Manila.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktima na si Geo Estrada, 20, truck helper bunga ng maraming tama ng patalim sa katawan.
Kasalukuyan namang inoobserbahan sa nasabi ring pagamutan ang tatlo pang kasamahan ng nasawi na sina George Apsilon, 23, binata; Domingo Golpe at kapatid nito na si Ronnie, 23, pawang mga stay-in helper/driver sa Bonanza Trucking sa C-3 Road, Dagat-dagatan, Navotas.
Sa ulat ni PO3 Charlie Bontigao, may hawak ng kaso, dakong alas-2 ng madaling-araw nang masayang nag-iinuman at nagkakantiyawan ang mga biktima dahil sa pagpapalitan ng microphone at nagpapataasan ng score sa pagkanta ng My Way.
Lingid sa kanilang kaalaman ay isang grupo na nag-iinuman sa kabilang lamesa ang napikon dahil sa kagustuhang makasingit din na kumanta ng My Way ay nawalan ang mga ito ng pagkakataon.
Nang matapos na magsipagkanta ang mga biktima ay sabay-sabay na nagtayuan ang mga di-kilalang suspect at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak ang mga biktima.
Matapos na matiyak ng mga suspect na napuruhan ang mga biktima ay mabilis silang nagsitakas dala ang mga patalim na ginamit sa pananaksak. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended