Ayon kay LTO Chief Edgardo Abenina, maaari nang mag-apply ang lahat ng drivers para sa new applicant at renewal ng kanilang lisensiya sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanilang website.
Kung mayroong pinakamalapit na computer center sa inyong lugar, maaaring gamitin ang internet at buksan ang website ng LTO para rito. Ang LTO website ay WWW.LTO-Central.gov.ph.
Nabatid sa LTO na hindi naman mababago ang halaga ng serbisyo para sa mga kukuha ng lisensiya sa pamamagitan ng website. Dito rin umano malalaman kung pinoproseso na ang aplikasyon ng mga drivers.
Dating presyo ang sisingilin sa student license na P75.00; P205 sa non-professional at sa professional ay P280 at ito ay babayaran kapag nalaman sa website na pinoproseso na ang aplikasyon ng aplikante.
Sa pagbukas ng website na nabanggit, ilalagay lamang dito ang TIN number ng applicant na isang rekisitos. (Ulat ni Angie dela Cruz)