^

Metro

Tumangging ibigay ang bitbit na alak, inutas

-
Dahil sa pagtangging ibigay ang bitbit na alak, isang 36-anyos na lalaki ang pinagtulungang saksakin, barilin at paluin ng bat hanggang mapatay ng hindi nakikilalang mga istambay, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Dionisio Iringco, ng Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon ng nabanggit na lungsod.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlong hindi pa nakikilalang mga suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Dumpsite Road, Malabon.

Bago umano maganap ang krimen ay nakita ang biktima na mag-isang naglalakad sa nasabing lugar nang harangin ng mga suspect kung saan pilit na kinukuha ng mga ito ang bitbit na alak ng una.

Tumanggi ang biktima kasabay ng pagsasabing panregalo niya ito sa isang kaibigan na magdiriwang ng kaarawan.

Dahil dito nagalit ang mga suspect at pinagtulung-tulungang saksakin, barilin at paluin ng bat sa ulo ang nag-iisang biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BRGY

CATMON

DAHIL

DIONISIO IRINGCO

DULONG HERNANDEZ ST.

DUMPSITE ROAD

GEMMA AMARGO

MALABON

MALABON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with