LTO official sangkot sa sindikato, sinibak sa puwe
September 13, 2001 | 12:00am
Sinibak na sa puwesto ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgardo Abenina si LTO-National Capital Region (NCR) director Danny Mangila matapos na umanoy malaman na ang huli ang tumutulong sa International Hong Kong Triad upang mairehistro ang mga puslit na sasakyan sa bansa.
Nabatid na nagkaroon muna ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ni Abenina sa bintang kay Mangila bago isinagawa ang pagsibak dito sa puwesto.
Wala pa namang nakukuhang kapalit ang LTO para ilagay sa puwesto ni Mangila. Si Mangila ay dating Executive Asst. ni ex-LTO chief Manuel Bruan bago naupo bilang NCR chief noong panahon ni dating LTO Chief Benjamin Calima.
Kaugnay nito, binalaan naman ni Abenina ang kanyang mga tauhan na sisipain sa puwesto at malamang kasuhan kapag napatunayang nagkasala sa batas. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest