^

Metro

Kasong plunder sa mag-amang Abalos pinamamadali

-
Inatasan kahapon ni Ombudsman Desierto ang Fact Finding Investigation Bureau (FFBI) na madaliin ang pagpapalabas ng resolution hinggil sa kasong mahigpit sa P700 milyong plunder laban sa mag-amang Mandaluyong City Mayor Benhur at Metro Manila Development Authority Chairman Benjamin Abalos.

Tiniyak ni Desierto na hindi natutulog ang kasong plunder laban sa mga ito at sa iba pang alkalde na nasampahan din ng kaso tulad nina Manila Mayor Lito Atienza at Parañaque Mayor Joey Marquez.

Samantala, ibinunyag naman ng complainant na si Serafin Neria na matapos niyang isampa ang nasabing kaso laban sa mag-amang Abalos ay sunud-sunod na ang pagbabanta sa kanyang buhay.

Kasabay ang umano’y panggigipit sa kanya mula sa mga empleyado ng Mandaluyong City Hall, partikular na ang tangkang pag-aresto sa kanya ng walang arrest warrant dahil sa kasong plunder.

Naniniwala si Neria na ang mga pananakot sa kanya ay nagmumula sa kampo ni Abalos upang iurong nito ang nasabing kaso. (Ulat ni Grace Amargo)

ABALOS

FACT FINDING INVESTIGATION BUREAU

GRACE AMARGO

MANDALUYONG CITY HALL

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYOR JOEY MARQUEZ

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

OMBUDSMAN DESIERTO

SERAFIN NERIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with