Kinilala ni Supt. Allan Parreño hepe ng Central Police District Station 5, ang biktimang si Benjamin Nadayao, 30, may-asawa ng #105 Alley Brgy. Batasan ng nasabing lungsod.
Patay na nang isugod sa East Avenue Medical Center ang nasabing biktima na nagtamo ng 30 tama ng taga at saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan nito.
Habang ang magkapatid na sina Ruel at Macario Bayquen ay tinutugis ngayon ng pamunuan ni Parreño na tumakas makaraang isagawa ang nasabing krimen.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Edwin dela Cruz, desk officer ng CIU-CPDO, naganap ang nasabing insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa basketball court ng Alley ng nabanggit na lugar.
Ayon kay Dela Cruz, nakatayo ang nasabing biktima sa nabanggit na court nang biglang sugurin ng magkapatid at walang sabi-sabing pinagtataga at pinagsasaksak ang una.
Nang bumulagtang duguan si Nadayao ay agarang nagsitakas ang magkapatid dala ang itak na ginamit sa pagpatay sa biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)