^

Metro

Driver patay sa mag-utol

-
Isang jeepney driver ang pinagtataga na parang baboy ng dalawang magkapatid na hinihinalang bangag sa ipinagbabawal na gamot makaraang maingayan sa panonood ng larong basketball kamakalawa sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Allan Parreño hepe ng Central Police District Station 5, ang biktimang si Benjamin Nadayao, 30, may-asawa ng #105 Alley Brgy. Batasan ng nasabing lungsod.

Patay na nang isugod sa East Avenue Medical Center ang nasabing biktima na nagtamo ng 30 tama ng taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Habang ang magkapatid na sina Ruel at Macario Bayquen ay tinutugis ngayon ng pamunuan ni Parreño na tumakas makaraang isagawa ang nasabing krimen.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Edwin dela Cruz, desk officer ng CIU-CPDO, naganap ang nasabing insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa basketball court ng Alley ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Dela Cruz, nakatayo ang nasabing biktima sa nabanggit na court nang biglang sugurin ng magkapatid at walang sabi-sabing pinagtataga at pinagsasaksak ang una.

Nang bumulagtang duguan si Nadayao ay agarang nagsitakas ang magkapatid dala ang itak na ginamit sa pagpatay sa biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ALLAN PARRE

ALLEY BRGY

AYON

BENJAMIN NADAYAO

CENTRAL POLICE DISTRICT STATION

DELA CRUZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JHAY MEJIAS

MACARIO BAYQUEN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with