^

Metro

P1.3M estafa case vs. Mary Ong isinampa sa Calooca

-
Umaabot sa milyong pisong kasong estafa ang nakasampa sa Caloocan City Metropolitan Trial Court (MTC) sa kontrobersyal na dating civilian agent ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force na si Mary Ong.

Si Robert Chan, negosyante at residente ng 69-AB Nicator Roxas St., panulukan ng Banaue Ave., ay nagharap kamakailan ng kasong 4 counts of estafa sa MTC Branch 50 laban kay Ong alyas "Rosebud" ng Unit 5 Baby View Golden House II, Roxas Boulevard, Parañaque City.

Sa sinumpaang salaysay ni Chua, si Ong umano ay naging matalik nitong kaibigan at nakumbinsi umano ng una na magbigay ng P1.35 milyon na cash sa kanya.

Nangako naman umano si Ong na ibabalik niya ang nasabing halaga sa loob ng maikling panahon kasabay ng pag-i-issue ng apat na tseke.

Dahil sa tiwala, hindi akalain ng nasabing negosyante na lolokohin siya ni Ong matapos na madiskubre ng una na pawang mga post dated check ang ibinigay sa kanya ni Ong na may mga petsang Agosto 15 sa dalawang tseke na tig P250,000, Oktubre 26 (P250,000) at Hulyo 11, 1997 (P600,000) mula sa Metrobank.

Nang ideposito ni Chua ang mga tseke sa nasabing bangko ay napag-alaman na pawang mga talbog ito dahil sa kawalan ng pondo. (Ulat ni Gemma Amargo)

BABY VIEW GOLDEN HOUSE

BANAUE AVE

CALOOCAN CITY METROPOLITAN TRIAL COURT

CHUA

GEMMA AMARGO

MARY ONG

NICATOR ROXAS ST.

ONG

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

ROXAS BOULEVARD

SI ROBERT CHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with