^

Metro

OFW, inaresto sa panghahalay sa 3 anak

-
Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na kagagaling lamang sa bansang Saudi Arabia ang nakakulong ngayon, matapos na ipagharap ng reklamo ng kanyang tatlong anak na dalagita dahil sa panggagahasa kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Supt. Jose Ramon Salido, hepe ng Criminal Investigation Division (CID) ng Makati City Police, ang suspect ay nakilalang si Amorsolo Addu, 57, nakatira sa No. 175-P.23rd Avenue, Brgy. East Rembo.

Samantala, ang mga biktima naman ay itinago sa mga pangalang Liza, 16; Irene, 13 at Lannie, 12.

Sa imbestigasyon ni PO1 Rosario Cabasa, ng Womens and Childrens Unit, nabatid na pitong taong gulang pa lamang ang panganay na anak nito na si Liza ay ginagaha- sa na ng suspect at maraming beses umanong naulit nang bumalik ang suspect sa Pilipinas mula sa Saudi Arabia noong Setyembre 6.

Puwersahan umano nitong dinala ang panganay na anak sa isang hindi nabanggit na motel at muling isinagawa ang panggagahasa dito.

Dakong alas-8 kamakalawa ng gabi ay muling sinumpong ang suspect sa kahiligan nito ng laman, nang gahasain at molestiyahin ang dalawa pang anak na dalagita na sina Irene at Lannie sa loob mismo ng kanilang bahay.

Dahil hindi na matiis ng magkakapatid na biktima ang ginawang kahayupan sa kanila ng sariling ama, nagsumbong na ang mga ito sa kanilang ina na hindi na binanggit ang pangalan.

Ayon kay Irene, takot ang nangibabaw sa kanila upang magsumbong sa pang-aabuso ng kanilang ama dahil sa pagbabanta ng huli na sila ay papatayin.

Galit na galit ang ina ng mga biktima nang mabatid kaya agad na humingi ng tulong sa mga tanod upang ireklamo at ipaaresto ang nasabing suspect.

Kasama ng mga tanod ang ilang pulis na dumakip kay Addu na ngayon ay nahaharap sa kasong panggagahasa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AMORSOLO ADDU

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EAST REMBO

ISANG OVERSEAS FILIPINO WORKER

JOSE RAMON SALIDO

LANNIE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with