Cellphone snatcher naaresto nang makipagkita sa te
September 9, 2001 | 12:00am
Hindi akalain ng isang cellphone snatcher na ang kanyang ka-blind date ang magiging susi upang siya ay madakip.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Western Police District-General Assignment Division, ang snatcher na si Jetro Pica, 17, binata, residente ng Unit 109 San Jose Bldg., Paco, Manila ay nadakip ng mga awtoridad sa pamamagitan ng kanyang ka-blind date na nakilala lamang sa pangalang Rina, 16.
Ayon sa pulisya, inisnatch ni Pica ang 5110 Nokia cellphone ng biktimang si Manuel Torres, 30, ng #3005 F. Manalo St., Punta, Sta. Ana noong Sept. 2 sa Sayat St. ng nabanggit ding lugar.
Dahil ditoy ipinasya ni Torres na ipa-textmate sa kanyang kapatid na si Rina ang numero ng cellphone nito na hawak ng suspect.
Nabatid na limang araw nagligawan sa cellphone si Rina at ang suspect hanggang sa magpasya ang huli na magkita nang personal sa gilid ng simbahan ng Sta. Ana kahapon kung saan ang palatandaan ni Rina ay may hawak itong mapupulang rosas para ibigay sa kanya.
Bunga nitoy agad na nagsumbong sa pulisya ang magkapatid na Torres upang i-entrap ang suspect.
Makaraan ang ilang minutong paghihintay ni Rina sa suspect ay sumulpot ito na nakapustura at may suot na mamahaling alahas kung saan dala nga nito ang mapupulang rosas na kanilang palatandaan.
Dahil ditoy agad na nilapitan ni Rina ang suspect at kasunod nito ay ang mga pulis na mabilis namang pinosasan ang huli.
Sa ngayon ay nakakulong ang suspect sa WPD detention cell at hindi maawat ang pagsisisi kung bakit pa niya ninais na makita ang kanyang ka-textmate na si Rina. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
July 8, 2026 - 12:00am