^

Metro

3-buwang buntis niregaluhan ng ahas ng karibal

-
Sinampahan ng kasong attempted murder ng isang 19-anyos na babae na tatlong buwang buntis ang karibal niyang babae sa ama ng kanyang dinadalang sanggol matapos na halos mamatay umano siya sa takot at sa sakit sa puso nang regaluhan siya nito ng isang makamandag na ahas, kamakalawa ng madaling-araw sa Pasig City.

Kinilala ni P/Insp. Antonio Paulite, hepe ng Criminal Investigation Division (CID) ang suspect na si Monette Sy, ng 4th Flr. España Tower, España Avenue, Manila.

Sa salaysay ng biktimang si Divine Real Santos alyas Ella, restaurant receptionist at residente ng Mariveles St., Mandaluyong City, naganap umano ang insidente dakong ala1:30 ng umaga sa pinapasukang Kiku Restaurant sa loob ng 4th Flr. ng Galleria Suites, Ortigas Center, Pasig.

Nakatanggap umano ng isang regalo na nakalagay sa isang kahon ang isa sa kanilang waiter na si Reynaldo Celis mula sa isang hindi nakilalang lalaki at ipinaaabot kay Santos. Nakalagay sa card ng regalo ang katagang: "Ella Santos... Hope You Like It".

Ayon kay Santos, nasabik umano siya na buksan na ang regalo kasabay na rin ng udyok ng mga kasamahan. Pumasok umano sila sa dressing room at dito nila binuksan ang regalo.

Dito umano niya nabitiwan ang naturang kahon ng regalo at hinimatay nang makita na isang ahas ang laman nito. Idinagdag pa nito na muntik nang malagay sa kamatayan ang kanyang buhay dahil sa may sakit umano siya sa puso dagdag pa ang tatlong-buwan niyang dinadala na posibleng aksidenteng malaglag din.

Dahil sa sigawan ng mga babae, agad na tumulong ang mga lalaking kasamahan nila sa trabaho at pinagtulungang patayin ang naturang ahas na kung tawagin ay ‘dahong palay’.

Nabatid umano niya na si Sy ang may kagagawan nito nang tumawag ito sa telepono sa kasamahan niyang si Janine at umamin na siya ang nagpadala ng regalo. Nais pa umano nitong makipagkita sa kanya ngunit nagpasya na lamang siyang isuplong ito sa pulisya dahil sa takot na mas matindi pang karahasan ang gawin nito.

Ipinaliwanag ni Santos na dati umanong kasintahan ng ama ng kanyang ipinagbubuntis si Sy at galit na galit sa kanya. Madalas pa umano siyang padalhan ng mga text messages nito na minumura siya at pinagbabantaang papatayin. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTONIO PAULITE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO GARCIA

DIVINE REAL SANTOS

ELLA SANTOS

ESPA

FLR

GALLERIA SUITES

HOPE YOU LIKE IT

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with