^

Metro

Ex-governor na wanted sa US, timbog

-
Matapos ang 16-taong pagtatago ng dating gobernador ng Quezon province dahil sa kasong insurance fraud sa Estados Unidos, bumagsak na rin ito sa kamay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na maispatan sa isang parking lot sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang nadakip na si ex-Gov. Eduardo Rodriguez. Siya ay namataan ng mga ahente ng Interpol division ng nasabing ahensya sa pamumuno ni Atty. Raul Bolivar sa isinagawang follow-up operation bandang alas-7:30 ng umaga habang hinihintay nito ang kanyang sasakyan sa may parking lot ng Makati Cinema Square sa Pasay Road.

Di na nakapalag pa si Rodriguez sa mga NBI agents nang masukol ito habang hinihintay niya ang kanyang service car na berdeng Toyota Corolla na may plakang UBH-498 sa nasabing parking lot.

Si Rodriguez kasama ang kanyang asawang si Imelda na may nakabimbing warrant of arrest ay matagal nang pinaghahanap ng NBI matapos na ireklamo ng isang insurance company sa Estados Unidos.

Nauna rito, unang naaresto kamakalawa ang kanyang maybahay matapos na makatanggap ng impormasyon ang NBI sa lugar na kanyang pinagtataguan sa Prince Plaza sa Pasay Road.

Base sa reklamo ng insurance firm, idineklara umano ng dating gobernador na patay na ang kanyang asawa at biyenan upang makakuha ng koleksyon sa kanilang insurance sa nasabing bansa.

Sinasabing umaabot sa US$120,000 ang nakulimbat ng nasabing gobernador sa naturang insurance company.

Sa isang panayam, sinabi naman ng mag-asawa na ito ay isang harassment para sa kanila. (Ulat nina Ellen Fernando at Grace Amargo)

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

EDUARDO RODRIGUEZ

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

GRACE AMARGO

MAKATI CINEMA SQUARE

MAKATI CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY ROAD

PRINCE PLAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with