Sintas ng sapatos ginamit sa pagbigti ng correspon
September 7, 2001 | 12:00am
Matapos umanong mabigo sa pag-ibig, isang correspondent ng pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI) ang nabigti gamit ang sintas ng sapatos sa loob ng isang motel sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang nasawi na si Jonathan Ma, 25, binata, ng No.521 A.S. Alvarez Drive, Alfaro St., Tetuan, Zamboanga City.
Sa report na natanggap ni Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City Police, nag-check-in ang biktima dakong alas-12:32 kamakalawa ng tanghali sa Room II-3 Orange Apartelle na matatagpuan sa Ninoy Aquino Avenue, Kabihasnan Road, Brgy. San Dionisio ng lungsod na ito.
Nabatid na pinuntahan ni Ricky Niez, 26, roomboy ng nasabing motel ang kuwarto ng biktima upang alamin ang kalagayan nito, kahapon ng madaling araw.
Ilang minuto na umano itong kumakatok at nagba-buzzer sa kuwarto ng nasawi ngunit hindi sumasagot si Ma kayat nagpasya ang nasabing roomboy na kunin ang duplicate ng susi upang buksan ang kuwartong tinutuluyan ng lalaki.
Nagulat ang roomboy na si Niez nang makita niya ang biktima na wala nang buhay sa loob ng comfort room, nakatali ang leeg ng sintas ng sapatos at nakasabit.
Mabilis na ipinagbigay alam ng management sa nasabing motel ang pangyayari sa mga awtoridad. Isang suicide note ang nakuha ng pulisya na naka-address sa isang nagngangalang Rachel Fuentes ng Las Piñas City na nagsasaad nang pagkabigo nito sa matinding pag-ibig.
Nakilala ang nasawi sa pamamagitan ng identification card ng PDI na nakuha dito na nagpapakitang siya ay correspondent ng naturang pahayagan na nakatalaga sa Zamboanga City. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended