^

Metro

"Gusali namin hindi fire hazard" - PGH

-
Ito ang binigyang-diin kahapon ni Dr. Juan Pablo Nañagas sa kanyang mensahe kasabay ng pagdiriwang ng ika-91 anibersaryo ng PGH taliwas sa mga naglabasang ulat na kasama ang nasabing ospital sa mga hindi ligtas sa sunog ng naganap na sunog sa QC Manor Hotel sa Quezon City na ikinasawi ng 74 katao.

Ayon kay Nañagas, palaging sumasailalim sa inspection ng Bureau of Fire Protection ang kanilang gusali at pasado ito sa mga panuntunan ng fire department patungkol sa mga kaligtasan ng mga pasyente at taong nagtutungo doon.

Tiniyak ni Nañagas na hindi nila maaaring ilagay sa kapahamakan ang kanilang libong pasyente at mga empleyado lalo pa’t maraming tao pa ang umaasa sa kanilang serbisyo.

Ibinase naman ng Senado sa ginanap na pagdinig kamakailan ang kanilang rekord sa lumang rekord kung saan kabilang sa nakatala ang PGH na fire hazard o fire trap.

Gayunman, nilinaw kahapon ni District Fire Marshall Supt. Pablito Cordeta ng Manila Fire Dept. na base sa kanilang rekord ay "70 percent deficient" ang PGH sa Fire Safety Code.

Kabilang umano sa mga nakatalang paglabag ng nasabing ospital ay ang kakulangan ng emergency lighting system, kakulangan sa stand pipe system, sirang mga fire alarms at obstruction sa mga fire exits.

Niliwanag ni Cordeta na bagaman nakakapag-comply ang PGH sa ilang mga requirement ay bagsak pa rin ito sa pinapakalat na Fire Protection Code sa kabuuan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DISTRICT FIRE MARSHALL SUPT

DR. JUAN PABLO NA

ELLEN FERNANDO

FIRE

FIRE PROTECTION CODE

FIRE SAFETY CODE

MANILA FIRE DEPT

MANOR HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with