^

Metro

Sanggol pinatay sa sakal ng ina

-
Dahil sa hindi na matustusan ang pangangailangan ng kanyang tatlong buwang anak na lalaki dahil sa kapos ang ipinapadalang suporta mula sa ama nito tuluyan itong sinakal at pinatay ng kanyang sariling ina, sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Tulala pa habang iniimbestigahan ni PO1 Rommel Merino ng Criminal Investigation Unit ng Central Police District ang inang suspect na nakilalang si Dailyn Paniluan ng Golden Shower, Brgy. Payatas ng nasabing lungsod.

Habang ang anak nito na nakilalang si Ezequiel, 3 buwan pa lamang ay natagpuang patay dakong alas-10:20 ng gabi sa loob ng kanilang silid, nakitaan ito sa leeg ng malalim na bakat ng kamay na umano’y naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon sa pahayag ni Francesca, 58, tiyahin ng suspect, pumasok ito sa silid ng bata upang magtimpla ng gatas para dito, ngunit laking gulat niya ng makitang hindi gumagalaw ang bata at matigas na ang katawan nito.

Nakita rin nito ang pamangking si Dailyn na nasa isang sulok ng silid at nakatulala at nakatitig sa kisame.

Napag-alaman na namasukan si Paniluan bilang katulong sa Pasay City kung saan ay nagkaroon siya ng bawal na relasyon sa amo nitong lalake hanggang sa magdalang-tao ito at ang naging bunga ay si Ezequiel.

Upang hindi umano mabuko ang pagbubuntis sa kanyang amo ay umalis ito sa bahay ng amo sa payo na rin ng huli at nanirahan sa kanyang tiyahin.

Sinabi ng tiyahin ni Dailyn na madalas na dumaing ang kanyang pamangkin na kulang na kulang ang ipinapadalang suporta ng amo nitong nakabuntis dito.

Madalas umanong walang maipambili ng pagkain ang mag-ina at posibleng gutom din ang nagbunsod upang mawala sa sariling pag-iisip ang suspect na ina at pinatay nito ang kanyang sariling anak. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DAILYN

DAILYN PANILUAN

EZEQUIEL

GOLDEN SHOWER

JHAY MEJIAS

KANYANG

PASAY CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with