^

Metro

50 peke na tenyente ng PNP sisiyasatin ng NAPOLCOM

-
Nakatakdang siyasatin ng Natonal Police Commission (NAPOLCOM) ang umano’y pekeng police eligibility ng may 50 pulis na may ranggong inspector o tinyente.

Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga nasabing police inspector dahil iniimbestigahan pa ang kanilang mga dokumento na isinumite sa NAPOLCOM.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang NAPOLCOM na humigit kumulang sa 50 police inspector na pawang "peke" umano ang police eligibility ng mga ito na isinumite sa Personnel Division ng Philippine National Police (PNP).

Kasalukuyang pinabeberipika ni NAPOLCOM Vice Chairman Retired General Rogelio Pureza sa Personnel Division ng nasabing ahensiya ang mga dokumentong isinumite ng nasabing mga opisyal at kung paano nakalusot ang mga ito.

Sasampahan ng falsification of public documents ang nasabing mga police inspector kapag napatunayan na nagkaroon sila ng paglabag sa pinatutupad na requirement ng NAPOLCOM.

Bilang parusa sa mga violators, pagkakasibak sa serbisyo o di kaya’y demosyon sa kanilang ranggo. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BILANG

BONILLA

KASALUKUYANG

LORDETH B

NATONAL POLICE COMMISSION

PERSONNEL DIVISION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE

VICE CHAIRMAN RETIRED GENERAL ROGELIO PUREZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with