Anak ng judge tiklo sa cellphone snatching
September 3, 2001 | 12:00am
Walang nagawa ang 22-anyos na anak ng isang hukom sa Manila Metropolitan Trial Court makaraang masakote ilang minuto matapos ang habulan sa C.M. Recto, Sampaloc, Maynila nang agawan umano nito ng cellular phone ang isang 18-anyos na dalaga, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang suspect na si Mark Lacsamana, residente ng Merville Subdivision, Moonwalk, Parañaque City at anak umano ni Judge Mariano Lacsamana.
Sa report, dakong alas-7 ng gabi habang naglalakad at nagti-text ang biktimang si Arjane Villanueva,18, estudyante at nakatira sa Gen. P. de leon Ast., Valenzuela City, nang lapitan ng suspect at bigla na lamang hablutin umano ang hawak nitong cellphone na 3210 (Nokia).
Dahil dito, agad na nagsisigaw ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga nagpapatrolyang pulis na agad namang hinabol ang suspect at nadakip matapos umano ang 15 minutong habulan.
Nauna rito, natalo umano ang suspect sa pustahan sa billiard sa Yes Billiard Hall matapos na maglaro sa may C.M. Recto at nang lumabas ay nakita nito ang dalaga na abala sa pagti-text. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest