^

Metro

Libreng burol at kabaong sa mahirap na pamilyang n

-
Hindi na kailangan pang mamroblema ng mga mahihirap na pamilya sa malaking gastos ng pagbuburol at kabaong tuwing may ka-pamilya silang pumapanaw sa Marikina City dahil sa sasagutin ng pamahalaang lungsod ang lahat ng gastos dito kung mapapatunayan nilang hindi nila kayang pasanin ang mga ito.

Sinabi ni Mayor Maridez Fernando na kinakailangan lamang umano ng mga mahihirap na pamilyang magsumite ng kanilang aplikasyon at mapatunayang kabilang nga sila sa naghihirap na pamilya sa lungsod.

Ayon dito, nakipag-ugnayan na umano sila sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang pagkukuhanan ng serbisyong ito.

Pinakilos naman nito ang Marikina Settlement Office (MSO) at Community Relations Office (CRO) upang matukoy ang mga pamilyang tunay na nangangailangan ng tulong ng pamahalaan.

Kabilang sa tulong na maibibigay ng lokal na pamahalaan ay ang pagpapahiram ng mga tents, lamesa, silya at pagbibigay ng libreng kabaong para paghimlayan ng namayapa nilang ka-pamilya.

Bukod dito, libre rin ang pagpapaembalsamo sa bangkay sa Santiago Funeral Parlor sa may Sta. Elena St., Marikina City. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

BUKOD

COMMUNITY RELATIONS OFFICE

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ELENA ST.

MARIKINA CITY

MARIKINA SETTLEMENT OFFICE

MAYOR MARIDEZ FERNANDO

SANTIAGO FUNERAL PARLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with