^

Metro

Nasamsam na parte ng bomba sa 3 terorista, kahawig

-
Halos magkahalintulad ang bahagi ng mga bombang nasamsam sa inuupahang bahay ng tatlong international terrorists sa San Juan noong nakalipas na Biyernes sa mga nakuhang homemade bombs sa Vietnamese embassy compound sa Thailand at London sa nakalipas na dalawang taon, ayon sa ulat ng pulisya,

Kaugnay nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang PNP sa mga embahada dito ng Vietnam, Thailand at Japan para makalikom ng karagdagang ebidensiya laban sa mga nadakip na suspects na sina Vo Van Doc, 41; Makoto Ito, 62 at Huyh Thuan Ngoc, 42.

Magugunitang ang tatlo, ayon sa ulat ay nagpaplanong bombahin ang Vietnamese embassy dito na isasabay sa Vietnam’s National Day.

Ang tatlo na pinaghihinalaang mga international terrorist ay kasalukuyang sumasailalim ngayon sa masusing interogasyon sa tanggapan ng IG sa Camp Crame.

Sa isinagawang raid, nasamsam sa bahay ng mga ito ang mga bomb-making materials tulad ng ammonium nitrate, wires na may improvised blasting caps, detonating cord, batteries at cellular phones.

Base rin sa Interpol reports, na ang mga components ng mga nasamsam na homemade bombs na narekober sa Vietnamese embassy sa Thailand at London ay kagaya rin ng nakuha sa San Juan. (Ulat ni Non Alquitran)

BIYERNES

CAMP CRAME

HUYH THUAN NGOC

KAUGNAY

MAKOTO ITO

NATIONAL DAY

NON ALQUITRAN

SAN JUAN

VO VAN DOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with