^

Metro

P.4M tinangay ng 3 holdaper sa babaeng kolektor

-
Tinangay ng tatlong holdaper ang tinatayang P.4 milyong cash buhat sa isang babaeng kolektor ng isang Italian garment factory, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Makati.

Dumulog sa Makati police ang biktimang nakilalang si Leticia Loloy, cashier at kolektor sa pabrika Nina Italia na nasa Marconi St., Brgy. San Isidro, Makati City.

Ayon sa biktima, naglalakad umano siya sa may Edison St., dakong alas-7:45 ng gabi patungo sa kanilang opisina buhat sa pangongolekta sa kanilang mga branches sa mga shopping mall nang harangin ng tatlong hindi nakikilalang lalaki na armado ng baril.

Isa sa mga ito ang agad na tinakpan ang kanyang mga mata, habang isa naman ang agad na humablot sa dala niyang kulay brown na leather bag na naglalaman ng pera.

Bukod dito, tinangay din ng mga suspect ang kanyang P12,000 na sinuweldo at ang kanyang cellphone.

Mabilis na tumakas ang mga suspect patungong Gil Puyat Avenue sakay ng isang pulang taxi na hindi naman niya nakuha ang plaka. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

EDISON ST.

GIL PUYAT AVENUE

LETICIA LOLOY

MAKATI

MAKATI CITY

MARCONI ST.

NINA ITALIA

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with