^

Metro

Janjalani ibinalik sa Manila

-
Muling ibinalik sa Maynila ang naarestong lider ng Abu Sayyaf Group na si Hector Janjalani matapos na tanggihan ng mga local officials sa Zamboanga na sa kanila gawin ang paglilitis sa naturang lider at mga kasamahan sa kadahilanang seguridad.

Si Janjalani ay dumating kahapon ng umaga at idineretso sa kanyang bagong selda sa Taguig at doon nito hihintayin ang isasagawang paglilitis sa kanyang kaso.

Ilan pa nitong mga kasamahan na nadakip din sa isinagawang serye ng operasyon ang nakatakdang isunod sa kanya sa Maynila.

Mahigpit na seguridad ang ipinagkaloob kay Janjalani para mapigilan ang anumang tangkang pagtatakas sa kanya ng kanyang mga kasamahan.

Tinututulan naman ng mga local officials sa Taguig ang pagsasagawa sa kanila ng trial ni Janjalani at mga kasamahan nito sa dahilan baka sa kanilang lugar magsagawa ng mga terorismo ang naturang grupo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

HECTOR JANJALANI

ILAN

JANJALANI

LORDETH BONILLA

MAHIGPIT

MAYNILA

SI JANJALANI

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with