103 OFWs na minaltrato sa Kuwait nakauwi na
August 31, 2001 | 12:00am
Halos mapatalon sa tuwa ang may 103 domestic helpers na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) galing Kuwait matapos silang makaranas nang pagmamaltrato sa kani-kanilang mga amo sa nabanggit na bansa.
Personal na sinalubong ni OWWA Administrator Wilheim Soriano ang mga nasabing OFWs nang dumating ang mga ito sa airport sakay ng eroplanong Kuwait Airlines flight KU-411.
Ayon kay Anita Pababeir, isang DH na hindi na siya babalik sa Kuwait dahil sa sinapit niyang karanasan doon.
"Para silang mga hayop, muntik ng maputol ang paa ko sa sarili kong amo", pahayag pa ni Pababeir.
Si Norman Hassen naman, 42, ay nagsabing hindi siya pinasahod ng kanyang amo kaya naisip niyang tumakas dito.
Sinabi ni Soriano, ang mga distress workers na dumating ay tutulungan ng OWWA na magsampa ng kaukulang kaso laban sa recruitment agency at kanilang mga naging amo.
Bukod dito, hinihintay pa ng OWWA ang daan-daan pang Pinoy na na-stranded sa Kuwait. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended