^

Metro

Libong vendor nilusob ang Manila City Hall

-
Tinatayang mahigit sa isang libong mga vendors kabilang na ang lehitimong mga stall holders mula sa Pritil, Sampaloc, Quinta at Arranque Market bunsod pa sa grupo ng "Bayan Muna" ang sumugod sa Manila City Hall dakong alas-9 ng umaga kahapon upang ihayag ang kanilang protesta sa sinasabing demolition at mga pag-alis ng umano’y kanilang karapatan bilang mga manininda sa mga nabanggit na mga pampublikong pamilihan.

Ayon kay Joel Bangit, tagapangulo ng United Vendors Association (UVA) ng Ilaya-Tondo at Avenida, mahigpit nilang tinututulan ang bagong kautusan ni Mayor Lito Atienza na "Zero Vendor Policy" na siyang nagbigay ng malaking pahirap sa pamilya ng may 2,000 manininda sa Divisoria, Morayta at Sta. Cruz bunga ng kawalang hanapbuhay.

Tinuligsa rin ng UVA na sa kabila ng kanilang pagiging mga lehitimong vendors na nagtataglay ng mga permit at lisensiya sa kanilang mga pagtitinda ay taimtim na nagbayad ng kanilang concession at license fees sa ilalim ng probisyon ng MMC Ordinance #79-2.

Sinabi pa na malinaw na isang hayagang paglabag at pang-aabuso sa kanilang mga karapatan ang isinasagawang kampanya laban sa mga vendors at manininda sa kabila ng pag-aatas ni DILG Sec. Lina kay Mayor Lito Atienza na payagan ang mga manininda na magpatuloy sa kanilang hanap-buhay batay na rin sa Rule 9 Section 27-28 ng Executive Order 452 ng memorandum na ipinalabas ni Sec. Lina. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ARRANQUE MARKET

BAYAN MUNA

EXECUTIVE ORDER

JOEL BANGIT

KANILANG

MANILA CITY HALL

MAYOR LITO ATIENZA

UNITED VENDORS ASSOCIATION

ZERO VENDOR POLICY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with