Anak ng ex-congressman at kaibigan pinalaya
August 30, 2001 | 12:00am
Pinalaya na ng pulisya kahapon ang binatang apo ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos at kaibigan nitong Canadian citizen matapos umanong makialam ang isang senador sa kinakaharap nitong kasong carnapping at possession of illegal drugs sa Makati City.
Ito ang nabatid mula sa isang mapapanaligang source matapos na payagan ng Makati Prosecutors Office na makalaya ang apo ng dating Unang Ginang na si Jean Franco Romualdez, anak ni dating Leyte Congressman Alberto Romualdez.
Sa resolusyong ipinalabas ni Makati City Asst. Prosecutor Alex Bogauisan, inutos nito na palayain sina Romualdez at kaibigan nitong si Ryan Chua, 17, habang patuloy pang isinasagawa ang preliminary investigation sa carnapping case na isinampa ng Makati City Police-Anti- Carnapping (Ancar) Unit sa mga ito.
Itinakda rin nito sa darating na Setyembe 6 ang preliminary investigation para sa dalawa at inatasan din ang Ancar na magsumite ng final investigation report sa gagawing pagdinig.
Gayunman, ilang impormante ang nagsabing unang nagkaroon ng resolusyon na kinakatigan umano ang pagsampa ng carnapping case laban sa batang Romualdez at kasamahan nitong dayuhan sa Makati Regional Trial Court matapos na makakuha ng "prima facie evidence".
Nagrekomenda pa umano ng halagang P180,000 kada akusado bilang piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Matapos umanong panghimasukan ng di-pinangalanang senador ang gusot na napasukan nila Romualdez at Chua ay nabago ang desisyon at pinakawalan na ang dalawa ng walang piyansa.
Magugunita na dahil sa pagmamaneho ng light gray Honda Civic na walang plaka, pinahinto ng mga tauhan ng Makati City Police Community Precinct 9 sina Romualdez sa kanto ng EDSA at Ayala Ave, subalit sa halip ay pinasibad nito ang kotse.
Nagkaroon ng habulan hanggang sa masukol sa kanto ng Estrella St., at EDSA ang binata kung saan nang hingian ng dokumento at lisensya para sa minamaneho nitong kotse ay walang maipakita ito sanhi upang sila ay arestuhin.
Nang dalhin sa Makati Police Headquarters ang dalawa at suriin naman ang loob ng kotse ay nadiskubre ng pulisya ang limang piraso ng capsule na hinihinalang ecstacy o regulated drugs na valium.
Sa isinagawa namang follow-up report ni Insp. Mario Almoguerra ng Makati-Ancar, lumitaw na ang kotseng gamit ng mga suspect ay nakareport sa Pasig City Police na isang carnap vehicle at nakarehistro sa pangalang Eleamora de Guzman. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest