Anak ng ex-congressman, 1 pa tiklo sa carnap vehic
August 29, 2001 | 12:00am
Nahulog sa kamay ng pulisya ang anak ni dating Leyte Congressman Alfredo Romualdez at ang kaibigan nitong isang Canadian citizen, matapos umanong mahulihan ng carnap na sasakyan at droga, kahapon ng umaga sa Makati City.
Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Joan Franco Romualdez, 18, estudyante, ng #1 Jacaranda St., North Forbes Park ng lungsod na ito at si Ryan Chua, 17, estudyante, ng Gold Hill Tower, No. 5 Annapolis St. Greenhills, San Juan.
Sinabi ni PO2 Rutherford Adana ng Police Community Precint 9 na nagpapatrulya sila sa kahabaan ng EDSA Avenue dakong alas-5 ng umaga kahapon nang mamataan nila sa nasabing lugar ang isang nakaparadang light gray na Honda na walang numero at doon sakay ang mga nadakip.
Nang sitahin nila ay biglang nagtatakbo kayat napilitan silang habulin ang mga ito.
Nadakip naman ang mga suspect na nasamsaman ng ilang pirasong tableta na pinaniniwalaang uri ng ipinagbabawal na gamot.
Nakumpiska din sa mga ito ang nasabing sasakyan at nang beripikahin ng mga pulis ay walang kaukulang papeles, kayat hinihinalang isa itong carnap vehicle.
Nabatid na si Joan Franco ay anak ni dating Leyte Congressman Romualdez sa una nitong asawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended