^

Metro

Mga biktima ng landslide sa QC, binisita ni GMA

-
Pinangunahan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pamamahagi ng relief goods sa may 50 pamilya na ang mga barung-barong ay nalibing sa pagguho ng lupa noong Huwebes sa Brgy. Commonwealth sa Quezon City.

Kasama si Mayor Feliciano Belmonte Jr. at mga opisyal ng DSWD at HUDCC, binisita rin ng Pangulo ang mga pamilyang inilikas sa Batasan National High School at ang Purok 9 ng Brgy. Commonwealth na pinangyarihan ng landslide.

Ipinaalam ni Belmonte sa Pangulo na ang nalalabing pamilya sa lugar na nanganganib na maapektuhan din ng landslide ay ililikas sa Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal. Ang iba naman ay naghahanap ng lugar na malapit-lapit sa kanilang pinagkukunan ng hanapbuhay para malipatan.

Inatasan ng Pangulo ang mga opisyal ng DSWD at HUDCC na tumulong sa paglilipat ng apektadong pamilya sa ligtas na lugar.

Bukod kay Quezon City Mayor Belmonte, ang iba pang sumama sa Presidente sa pagbisita sa mga pamilyang naapektuhan ng landslide ay sina Rep. Chuck Mathay, DSWD Secretary Corazon Soliman at mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BATASAN NATIONAL HIGH SCHOOL

BRGY

CHUCK MATHAY

KASIGLAHAN VILLAGE

LILIA TOLENTINO

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with