May-ari ng Manor Hotel, 7 incorporators pinagsusum
August 28, 2001 | 12:00am
Pinagsusumite na ng Quezon City Prosecutors Office ng counter-affidavit ang may-ari ng QC Manor Hotel at pitong incorporators nito kaugnay ng isasagawang preliminary investigation bukas sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at reckless imprudence resulting to multiple serious physical injuries.
Kaugnay nito, isa pang kasong paglabag sa Metro Manila Development Authority (MMDA) Ordinance No. 8203 ang isinampa ng Central Police District laban sa mag-asawang William at Rebecca Genato at apat na incorporators na kinabibilangan nina Marion Fernandez, Porferio Germina, Antonio Beltran at Dionisio Cua Arengino.
Ayon kay Central Police District Criminal Investigation Unit-Homicide Chief Sr. Insp. Rodolfo Jaraza, ang kasong paglabag sa MMDA Ordinance ay bunga na rin ng patuloy na operasyon ng QC Manor Hotel sa kabila ng kawalan ng business permit nito.
Lumilitaw na Hunyo 30, 2001 pa natapos ang bisa ng business permit ng hotel subalit nagagawa pa ring ipagpatuloy ng mga ito ang operasyon.
Wala rin umanong nakikitang indikasyon na sinubukang mag-apply ng panibagong permit ang mga may-ari.
Samantala, sinabi pa ni Jaraza na pinadalhan na ng subpoena ang mga Genato at ang mga naturang incorporators para sa preliminary investigation sa tanggapan ni Asst. Prosecutor Alfredo Agcaoili bukas.
Matatandaan na umabot sa 74 katao ang namatay sa sunog sa Manor Hotel noong Agosto 18 samantalang ikinasugat naman ng 41. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am