^

Metro

Bulag pinilahan ng 2 engineer

-
Mapait ang sinapit ng isang bulag na 33-anyos na dalaga matapos na halinhinang gahasain ng dalawang umano’y engineer sa loob ng isang hotel kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Gloria, tubong Palawan at nakatira sa Cloudy Compound, Barangay Poblacion, ng lunsod na ito.

Samantala, hindi muna ibinunyag ang pangalan ng dalawang suspect na kapwa umano engineer, dahil pinaghahanap pa ito ng pulisya.

Base sa salaysay ng biktima kay SPO4 Estela Formales, hepe ng Womens and Childrens Desk Unit ng Muntinlupa City Police, niyaya umano siya ng kanyang kaibigan na nakilala sa pangalang Marilyn na mag-inuman.

Sumama naman siya sa kaibigan dahil tiwala siya dito, subalit hindi niya akalain na dadalhin siya sa Moldez Compound, isang motel na matatagpuan sa Brgy. Poblacion, ng lunsod na ito habang naghihintay dito ang dalawang suspect.

Nabatid na inumpisahan nang pagsamantalahan ang dalaga, matapos siyang iwan ng kanyang kaibigang si Marilyn.

Nagsisigaw at nanlaban ang biktima, subalit pinagtulungan umano siyang gulpihin ng mga suspect kayat nanlupaypay ito at naisakatuparan ang panggagahasa dito.

Matapos pagsamantalahan ang biktima, dakong alas-11:06 kamakalawa ng gabi, inilabas sa nasabing motel ang biktima at luhaan itong inabandona.

Isang taong nagmamalasakit na hindi nagpabanggit ng pangalan ang nakakita sa biktima at isinalaysay nito ang sinapit sa mga suspect, kaya’t sinamahan ang dalagang bulag sa himpilan ng pulisya upang magreklamo. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BIKTIMA

BONILLA

CLOUDY COMPOUND

ESTELA FORMALES

LORDETH B

MOLDEZ COMPOUND

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

WOMENS AND CHILDRENS DESK UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with