Retiradong guro natagpuang patay
August 27, 2001 | 12:00am
Isang 56-anyos na retiradong teacher ang brutal na pinatay sa loob ng ginagawang bahay nito kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Nakasubsob pa sa drainage ng ginagawang bahay nang matagpuan ng mga nagresponding pulis-Caloocan ang bangkay ng biktimang si Lourdes Malilin, matandang dalaga ng 3158 Padilla compound Mapulang Lupa ng nabanggit na lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Jesus Saguisi ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID) ng Valenzuela Police, dakong alas-8 ng umaga nang unang makita ng isang Danilo Sid, karpintero ang bangkay ng biktima.
Ayon kay Sid, tumungo umano siya sa bahay ng biktima upang kumpunihin ang ipinagagawang bahay nito subalit nagtaka umano siya nang walang nagbubukas sa kanya ng pinto bagaman ilang beses na siyang kumatok.
Napasilip si Sid sa steel grills ng bahay at laking gulat nang makita niya ang nakasubsob na biktima.
Nakitaan ng pulisya ng isang malaking sugat sa ulo na pinaniniwalaang hinampas ng matigas na bagay at mga gasgas sa kamay at balikat.
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya matapos na isantabi ang anggulong pagnanakaw dahil sa walang nawala sa loob ng bahay ng biktima.
Isang bareta ang narekober ng pulisya ilang metro ang layo sa bangkay ng matanda. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended