Bitay hatol sa rapist na ama
August 27, 2001 | 12:00am
Kamatayan ang naging hatol ng hukuman sa isang ama, matapos niyang gahasain ang kanyang sariling anak na babae may pitong taon na ang nakararaan sa loob ng kanilang bahay sa Mandaluyong City.
Sa pitong pahinang desisyon ni Judge Mariano Singzon, ng Branch 67, Pasig City Regional Trial Court, ang akusado ay nakilalang si Melchor, Desales, 41, tubong Quisan Pililia, Rizal.
Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalang Anna, 15-anyos, nakatira sa Mandaluyong City.
Base sa rekord ng korte, isinagawa ng akusado ang panggagahasa sa sariling anak noong Abril 5, 1994 sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Gonzaga St., ng nabanggit na lunsod habang ang ina ng biktima na unang asawa ng suspect ay nasa trabaho at naiwang nag-iisa ang dalagita.
Hindi naman pinaniwalaan ng korte ang alegasyon ng akusado na wala siya sa kanilang tirahan nang maganap ang panghahalay sa anak nito dahil kasama umano niya ang kanyang pangalawang asawa na nakilalang si Elvie, 37, sa kanilang bahay na tinutuluyan sa Brgy. Buting, Pasig City.
Subalit sa mga ebidensiyang isinumite sa korte laban kay Desales, napatunayan na siya ay nagkasala sa kasong panggagahasa sa sariling anak, kayat kamatayan ang naging hatol dito sa pamamagitan ng lethal injection.
Bukod dito, pinagbabayad pa ang akusado ng halagang P100,000 bilang danyos perwisyo nito sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended