Turistang Hapon nadukutan
August 26, 2001 | 12:00am
Naudlot ang pakikipag-date ng isang turistang Japanese national sa kanyang Pilipinang kasintahan nang hablutin ng tatlong kalalakihang sakay ng motorsiklo ang kanyang clutch bag na naglalaman ng malaking halaga ng salapi kahapon sa Ermita, Maynila.
Nabatid na palabas na sa Diamond Hotel sa Roxas Blvd., Ermita, ang biktimang si Tetsuo Nishimura, 33, negosyante ng Tokyo, Japan, kasama ang kasintahang si Marisol Bien, 21, ng 021 R. Higgins St., CAA Compound, Parañaque dakong alas-12:30 ng hatinggabi nang bigla silang tapatan ng mga suspect na sakay ng malaking motorsiklo at kaagad na inagaw ng isa ang hawak na bag ng biktima.
Ayon sa mga nakasaksi, nagsisigaw na humingi ng saklolo ang kasintahan ng biktima na nakatawag-pansin sa mga security guard subalit nakalayo na ang mga suspect patungo sa lugar ng T.M. Kalaw.
Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO1 Jacinto Amor ng General Assignment Section ng Western Police District (WPD) na nagtungo umano si Bien sa tinutuluyang hotel ng kasintahang Hapones dahil sa pangakong lalabas sila upang mag-goodtime.
Natangay mula sa biktima ang 10,000 yen at P10,000 cash, kasama pa ang ilang mahahalagang dokumento nito. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended