^

Metro

Nameke sa pirma ni Mayor Eusebio, tiklo

-
Hindi nagtagumpay ang isang umano’y bakla na nagpakilalang stage artist sa kanyang panloloko at tangkang pagtangay ng halagang P20,000 para sa pagpro-produce ng isang stage play para sa Ilog-Pasig gamit ang pirma ni Mayor Soledad Eusebio matapos na mabisto ng sekretarya ang kanyang modus operandi sa loob mismo ng Mayor’s Office kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Kinilala ni P/Insp. Antonio Paulete, hepe ng Criminal Investigation Division (CID) ng Pasig City Police ang suspect na si Jonathan Gonzales alyas Joana ng Cattleya Wakas, Bgry. Pinagbuhatan, nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nagtungo umano sa Mayor’s Office sa Pasig City Hall si Gonzales dakong ala-1:45 ng hapon at nagpakilalang pangulo ng Pasig Young Artist Theater Incorporated.

Nabatid na dala umano ng suspect ang isang sulat na may lagda ni Mayor Eusebio na nag-aapruba ng pagbibigay nito ng halagang P20,000 bilang pondo sa gaganapin nilang isang stage play na pinamagatang "Tabing Ilog-Save the Pasig River".

Pinaupo muna ng sekretarya ni Mayor Eusebio na si Felomena Caruncho, 40, si Gonzales at hinintay na dumating ang alkalde. Dito binirepika ni Mayor Eusebio na wala siyang inaaprubahang pagpopondo sa isang stage play at peke ang ginamit na pirma nito sa naturang sulat na halos kahawig ng tunay na lagda ng alkalde.

Agad na tumawag sa istasyon ng pulisya si Caruncho at dinakip ang nasorpresang si Gonzales.

Kasalukuyang nakapiit sa Pasig dentention cell ang suspect at nahaharap sa kasong estafa, perjury at falsification of documents. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTONIO PAULETE

CATTLEYA WAKAS

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO GARCIA

FELOMENA CARUNCHO

GONZALES

JONATHAN GONZALES

MAYOR EUSEBIO

MAYOR SOLEDAD EUSEBIO

PASIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with