^

Metro

Maid na nagnakaw kay Gov. Barbers, arestado

-
Matapos na magtago ng tatlong taon, naaresto na ng mga awtoridad ang isang dating katulong ni Surigao Governor Lyndon Barbers na tinangayan nito ng P800,000 halaga ng pera at alahas sa bahay ng huli sa Makati City noong 1999.

Kasalukuyang nakadetine ngayon sa loob ng Makati detention cell ang suspect na si Janet Santos, 22,may-asawa at nakatira sa #2584 Granate St., San Andres Bukid, Manila.

Naaresto si Santos ng mga operatiba ng Makati Police Warrant and Subpeona Section sa pamumuno ni Chief Insp. Nicasio Medina dakong alas-6:40 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Makati Regional Trial Court.

Ito ay matapos na makatanggap ng isang tip sa isang impormante sa pinagtataguan ng suspect matapos na magtago sa loob ng tatlong taon.

Base sa rekord ng pulisya, pinagnakawan umano ni Santos ng pera at alahas na umaabot sa nasabing halaga ang bahay ng Governor na matatagpuan sa may #9008-C Hormiga St.., Brgy. Valenzuela, Makati City noong Setyembre 3,1999

Ayon kay Tricia Barbers, asawa ng Governor na tatlong araw umano silang mag-anak na nawala sa kanilang bahay sa Makati at tumuloy sa bahay ng kanilang ama na si Senador Robert Barbers bunsod ng isang imbistasyon ng huli.

Ipinagkatiwala naman nila sa suspect na nag-iisang bantay umano ng kanilang bahay.

Bumalik umano sila sa kanilang bahay sa Makati noong Setyembre 5 at nadiskubre ang magulong ayos ng loob ng bahay at nawawala na ang mga alahas na nakalagay umano sa isang jewelry box at pera sa loob ng kanilang kuwarto.

Simula noon ay hindi na nagpakita pa si Santos.

Sinabi ni Tricia na wala umanong gagawa ng naturang pagnanakaw maliban kay Santos dahil sa minsan ay nahuli na rin umano ang naturang katulong na nang-umit ng $100 na nakalagay sa isang drawer. (Ulat ni Danilo Garcia)

BAHAY

C HORMIGA ST.

CHIEF INSP

DANILO GARCIA

GRANATE ST.

JANET SANTOS

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI POLICE WARRANT AND SUBPEONA SECTION

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NICASIO MEDINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with