^

Metro

9 incorporators ng Manor Hotel kinasuhan na

-
Pormal nang sinampahan kahapon ng kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office ang siyam na incorporators ng QC Manor Hotel dahil sa pagkasawi ng may 74 katao bunga ng sunog noong Agosto 18.

Kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple serious physical injuries ang iniharap laban sa mga incorporators na sina William Genato, asawang si Rebecca, kapwa naninirahan sa 169 Maginhawa St., Teachers’ Village, QC; Porferio Germina ng 1023 Brgy. Dalig Kuhala Angono, Rizal; Marlon Fernandez,51, ng Magat Salamat, Proj. 4, QC; Dionisio Cua Arengino, ng 720 Gen. Luis Compound Kaibiga, QC; Antonio Beltran, Candelaria Aranador, Ofelia Alberto at Alma Santos.

Ang kaso ay isinampa ng Central Police District-Criminal Investigation Unit makaraang makalap ang mga mahahalagang ebidensya na magpapatunay na lumabag ang mga nabanggit na respondents sa building at fire codes.

Lumilitaw sa rekord na nagpadala ng notice noong Agosto 8, 2000 ang Bureau of Fire Protection kay Aranador na nag-uutos na baguhin at itama ng mga may-ari ang mga mali sa nasabing gusali. Subalit ayon kay CID Chief Sr. Insp. Rodolfo Jaraza na ang nasabing notice ng BFP ay binalewala ng mga may-ari kung kaya’t nanatili ang panganib sa Manor Hotel.

Aniya, ang kawalan ng pagtugon ng mga respondents sa komento ng BFP ay sapat na upang papanagutin ang mga ito sa pagkamatay ng mga delegado ng prayer convention.

Nabatid din na ang hotel ay patuloy sa kanilang operasyon sa kabila ng kanilang expired business permit mula sa BPLO at City Engineers Office. Agad namang iniutos ni Belmonte ang pagko-kordon sa dalawang tanggapan sa QC hall upang maiwasan na ma-tamper ang anumang dokumento tungkol sa hotel.

Samantala, hindi sinipot ni Genato ang unang preliminary investigation ni Asst. Prosecutor Alfredo Agcaoili laban sa kanya. Sa halip ay tanging ang legal counsels nito na sina Atty. Benito Ambrosio at Wenceslao Orpiano ang dumating.

Itinakda ni Agcaoili ang susunod na preliminary investigation sa Agosto 29. Sa Lunes ay isasampa naman sa Office of the Ombudsman ang graft laban sa mga city hall officials na sinasabing responsable sa pagbibigay ng permit sa nasunog na hotel. (Ulat ni Doris Franche)

AGOSTO

ALMA SANTOS

ANTONIO BELTRAN

BENITO AMBROSIO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CANDELARIA ARANADOR

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CHIEF SR. INSP

MANOR HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with