Ang Able Security Agency ay sinalakay matapos na ipalabas ang isang search warrant ni Exec. Judge Morina Zenerosa, ng Quezon City Regional Trial Court makaraang makumpirma ng NBI-NCR na pinamumunuan ni Director Edmund Arugay na nagtatambak ng ibat ibang uri ng rifles at handguns at bala ang nasabing security agency na matatagpuan sa 410 Jovan Condominium, 600 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Matapos na makumpiska ang nasabing mga baril ay sinampahan ng kaso dahil sa paglabag sa PD 1866 sa Department of Justice sina Corazon Arenas, manager at 14 pang director ng nasabing security agency. (Ulat nina Ellen Fernando at Andi Garcia)