Basurero namili ng hahakuting basura, gulpi-sarado
August 24, 2001 | 12:00am
Nagmistulang lantang-gulay ang katawan ng isang 26-anyos na basurero dahil sa bugbog na tinamo buhat sa isang sikyu na nainis sa kanya dahil sa pamimili ng basurang hahakutin at pag-iwan ng basura sa kanyang binabantayang bahay, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.
Kahit hirap ang katawan, dumulog sa Mandaluyong Police ang biktimang si Romeo Espilla, binata ng Barangay Addition Hills, ng nabanggit na lungsod at ipinagharap ng reklamo ang suspect na si Victor Vio, 26, security guard ng 7th Color Security Agency na may tanggapan sa Gagalangin, Tondo, Manila.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12 ng hatinggabi sa harap ng binabantayang bahay ni Vio sa may Sierra Madre St., Barangay Highway Hills, Mandaluyong.
Dumaan umano ang isang trak ng basura at nakalagay lamang sa plastik ang hinakot ng mga basurero at iniwan ang iba pang nakatambak lamang.
Dahil sa takot na baka siya mapagalitan ng kanyang amo sa bahay, kinompronta ni Vio si Espilla at sinabing kolektahin lahat ang basura. Tumanggi naman umano si Espilla dahil sa matatagalan lamang umano sila sa paisa-isang pagpulot sa mga nakakalat na basura at sinabihang ilagay ang mga ito sa plastik para mabilis na mahakot.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa magdilim ang paningin ng guwardiya at pinagsusuntok ang biktima. Hindi pa umano nasiyahan ay tinutukan pa ng shotgun ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended